Sampung Taon

Makalipas ang Isang Dekada

“Para sa mga naakyat at patuloy pang aakyatin na mga bundok. “

At sa unang langhap ng hanging sariwa sa tuktok, tiyak na nanaisin ang muling pagbalik.

Lahat ay daraan sa mahirap na simula. Ganyan ang mararanasan sa unang yugto ng pagpanhik sa kahit na anong bundok. Ngunit ang lahat ng pawis at gasgas ay sulit sa kung ano man ang naghihintay sa itaas.

Gayon din ang pananaw ko, malamang sampung taon mula ngayon ay patuloy pa rin akong umaakyat sa matatayog na bundok. Hindi ko alam kung mayroon na akong trabahong ikatutuwa ng lipunan o ikalulugod ng aking sarili pero sigurado ako na ipagpapatuloy ko ang nasimulan kong pag-akyat sa mga bundok. Kaagapay ang takot at pag-iingat, galak at katahimikan, tapang at pagpapakumbaba, hindi ko nais itigil ang minsa’y lubusang nagpasaya sa nababagabag kong pag-iisip noon.

Kaya ngayon pa lamang, sinasabi ko na, kahit isang dekada pa ang lumipas sigurado akong hindi ko malilimutan ang unang langhap ng hanging sariwa sa tuktok.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s